MUST TRY PINOY STREET FOODS NA MAPAPAAMIN MO ANG IYONG CRUSH





MUST TRY ITO MGA BEH!!




    
     Balut, ang itlog ng kalye—mala-action star sa puso't panlasa! Sa unang tingin, mukhang kakaiba, pero pag nilapag mo sa bibig, siguradong sasabihin mo, "Oh my itlog!" Balut, tulad ng love life, punong-puno ng sorpresa. Kaya't huwag kang matakot, bes! Sabi nga nila, "Kapit lang, baka matikman mo rin ang ligaya!"


    Hindi magpapahuli ang kwek-kwek. hindi brown kundi kahel ang bumalot sa malinamnam na itlog!! Sa anumang hapagan ay laging nanjan, parang ikaw, laging nasa puso't isipan. Ang kulay kahel na nangingibabaw sa lahat, nangaakit sa mga mata, tulad ng 'yong karikitan.


    BBQ ka ba? kase ihaw(ikaw) lang sapat na!. Sa bawat usok ay langhap ang ligaya, na kapag hinapag na ay tiyak! Mapapakain ka. At kung may itlog ng kalye, pwes! may bituka ng kalye. Simula sa pagtusok hanggang sa pag-usok ay inaabangan na! Try mo at nang matikman mo ang bunga ng pasensiya.




Comments